Ngayong 4 PM, Setyembre 15, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 16,989 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 24,123 na gumaling at 214 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 7.5% (170,446) ang aktibong kaso, 91.0% (2,076,823) na ang gumaling, at 1.57% (35,742) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong September 13, 2021 habang mayroong 4 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 4 labs na ito ay humigit kumulang 1.1% sa lahat ng samples na naitest at 1.0% sa lahat ng positibong mga indibidwal. (Courtesy:DOH-Region 2)