Naitala kahapon, September 14 2021, ng Department of Health- Cagayan Valley Center for Health Development ang 701 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 1,057 na gumaling at 38 ang naitalang namatay.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa rehiyon, 10.59% (9,178) ang aktibong kaso, 86.37% (74,833) na ang gumaling, at 3% (2,600) ang namatay.