Base sa pinakahuling datos ng Provincial Health Office, nakapagtala ng lamampu’t pitong (57) panibagong kaso ng covid-19 ang ating lalawigan, dalawampu’t dalawa (22) naman ang mga bagong gumaling mula sa virus at dalawa (2) ang binawian ng buhay.

Sa kabuuang bilang, 3,760 na ang COVID-19 CONFIRMED CASES ng ating probinsya, 513 dito ang ACTIVE CASES 3,134 naman ang RECOVERED CASES at 113 na ang COVID RELATED DEATHS.

Patuloy na nadadagdagan ang kumpirmadong kaso sa ating probinsya kaya’t patuloy rin sa pagpapaalala ang ating Pamahalaang Panlalawigan na tayo ay mag-ingat at sumunod sa mga health and safety protocol na ipinatutupad ng DOH at IATF, at kung maaari ay magpabakuna na upang magkaroon ng karagdagang proteksyon kontra Covid-19.