Anim na bayan mula sa mga lalawigan ng Isabela, Quirino, Cagayab at Nueva Vizcaya ang nasa ilalim ng CRITICAL RISK EPIDEMIC na kategorya ayon sa DOH Region 2 base sa pinakahuling datos nitong Setyembre 11.
Ayon sa DOH, ang mga nabanggit na lugar ay nasa kategorya ng ‘critical’ matapos makapagtala ang mga ito ng mataas na “growth change rate” sa kanilang mga aktibong kaso ng COVID-19.
Sa Isabela, narito ang katumabas ng growth change ng mga nasa critical risk epidemic: Santiago City (240.15%) at San Mariano (400.00%).
Nakapagtala naman ng 650% growth change ang Alfonso Castañeda, Nueva Vizcaya samantalang 210% naman ang naitala ng Diadi, Nueva Vizcaya.
Nakapagtala naman ng 225.71% growth change ang Santa Ana, Cagayan habang 233.33% growth change naman ang naita ng Nagtipunan, Quirino.
Gayunman, nilinaw ng DOH na ang mga bayang nasa critical epidemic risk classification ay hindi nangangahulugan na sila ang may pinakamataas na kaso sa ngayon sa rehiyon.