Base sa pinakahuling datos ng Provincial Health Office, nakapagtala ng 17 na panibagong kaso ang ating lalawigan, 87 naman ang mga gumaling mula sa virus at 2 ang nasawi.

Sa kabuuang bilang, 6,754 na ang COVID-19 CONFIRMED CASES ng ating probinsya, 506 dito ang ACTIVE CASES, 6,031 naman ang RECOVERED CASES at 217 na ang COVID RELATED DEATHS.

Patuloy na nadadagdagan ang kumpirmadong kaso sa ating probinsya kaya’t patuloy rin sa pagpapaalala ang ating Pamahalaang Panlalawigan na tayo ay mag-ingat at sumunod sa mga health and safety protocol na ipinatutupad ng DOH at IATF, at kung maaari ay magpabakuna na upang magkaroon ng karagdagang proteksyon kontra Covid-19.

Keep safe mga kailyan