(Image Courtesy: PLGU-Quirino)

(As of July 20, 2022, Courtesy:PLGU-Quirino)

Base sa pinakahuling datos ng Provincial Health Office (PHO), nakapagtala ng apat (4) na panibagong kaso ang lalawigan. Samantala, dalawa (2) naman ang gumaling mula sa virus at wala namang naitalang bagong nasawi.

Sa kabuuang bilang, 8,121 na ang COVID-19 CONFIRMED CASES sa probinsya, 19 dito ang ACTIVE CASES, 7,840 naman ang RECOVERED CASES at nanatili sa 262 ang COVID RELATED DEATHS.

Bagamat manageable pa ang bilang ng kumpirmadong kaso sa lalawigan ay patuloy pa rin na nagpapaalala ang Pamahalaang Panlalawigan na tayo ay mag-ingat at sumunod sa minimum public health standards na ipinatutupad ng DOH at IATF.#