Patuloy pa ang pagbaba ng aktibong kaso ng Covid-19 sa Cagayan na umaabot na lamang ngayon sa kabuuang 4,254 base sa datos ng PESU ng Setyembre-29.
Mayroon namang 344 na panibagong kaso ang naitala ng PESU mula sa 27 lugar dito ngayong araw, Setyembre-29. Ito ay kinabibilangan ng Tuguegarao City na may 72 new active case, 32 sa Aparri, 29 sa Claveria, 26 sa Solana, at sa Sta. Teresita.
Nangunguna naman ngayon ang Brgy. Tangatan sa Sta. Ana sa may pinakamataas na aktibong kaso na pumapalo sa 90, sinundan ito ng Brgy. Caggay sa Tuguegarao City na mayroon namang 67 aktibong kaso ng virus.
Ang bilang naman ng nasawi sanhi pa rin ng Covid-19 ay umabot sa 22 kung saan apat dito ay nanggaling sa bayan ng Allacapan, habang tatlo naman ang nagmula sa mga bayan ng Solana, Sta. Teresita, at tig-isa sa Abulug, Aparri, Baggao, Claveria, Enrile, Gattaran, Lal-lo, Peñablanca, Rizal, Sanchez Mira, Sta. Ana, at Sto. Niño.
Walang naitalang casualty ngayon ang lungsod ng Tuguegarao.
Bumaba pa sa 399 ang naka-home quarantine sa lalawigan kung saan 173 dito ang mayroon sa Tuguegarao City; 64 sa Alcala; umakyat sa 54 sa Claveria; 30 sa Sta. Ana; 41 sa Baggao; 23 sa Amulung; 13 sa Allacapan; apat sa Lal-lo at Solana; walo sa Lasam; lima sa Sto. Niño at Pamplona;
Naitala naman ang 415 na panibagong mga Cagayanong gumaling mula sa virus.(Courtesy:CPIO)