Nadisgrasya ang isang closed wingvan truck matapos maidlip ang driver nito sa national road sa Tumauini, Isabela kahapon, Dec. 10.
Ayon sa ulat ng pulisya, naidlip ang drayber maaaring dahil daw sa pagod at puyat kaya di nito natantya ang daan at dumiretso sa gilid ng kalsada at nasalpok ang puno at poste na ikinasira ng harapang bahagi nito.
Ligtas naman ang drayber at pahinante na bahagyang nasugatan lamang at di na pinangalanan ng kapulisan dahil sa data privacy act.
Kasalukuyang kinukumpuni ngayong araw (Dec 11) ang sasakyan at hindi pa naiaahon ngayon sa gilid ng kalsada.#