Courtesy: PNP-Region 2

Isinagawa ang ceremonial kick-off sa rehiyon para sa mahigpit na monitoring sa pagsisimula ng election period ngayong araw, Enero 12.

Inikot ng kapulisan ang siyudad ng Tuguegarao at sa PeƱablanca, Cagayan sa pangunguna nina Regional Election Director Atty. Ederlino Tabilas, Police Regional Office 2 Director PBGen. Antonio Marallag, Jr., at 502nd Infantry Brigade Deputy Commander Col. Davice Christopher Mercado.

Ayon kay Police Regional Office 2 Director PBGen. Antonio Marallag, Jr., nasa 149 COMELEC checkpoints ang naitatag sa pag-uumpisa ng election period para mahigpit na mabantayan ang sitwasyon sa rehiyon.

Sa mga susunod na araw, aniya, ay isasagawa na nila ang accordion checkpoint, kung saan kahit pa man hindi maipatutupad ang lahat ng 149 checkpoints, 24/7 pa ring nakatutok ang mga kapulisan, katuwang ang mga kasundaluhan, sa seguridad ng mamamayan ng lambak-Cagayan.#