Naitala kahapon, October 24, 2021, ng Department of Health- Cagayan Valley Center for Health Development ang 561 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 363 na gumaling at 16 ang naitalang namatay.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa rehiyon, 5.36% (6,741) ang aktibong kaso, 91.40% (117,104) na ang gumaling, at 3.30% (4,232) ang namatay.