PUMILA na ng Certificate of Candidacy para sa pagka-gobernador ng Cagayan si three-term vice governor Melvin Vargas Jr. kanina (Oct.2) sa Comelec provincial office sa Tuguegarao City, Cagayan.(Larawang kuha ni Vill Gideon Visaya)

Nakapagsumite na si Cagayan Vice Governor Melvin Boy Vargas Jr., ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) para sa pagka-gobernador ng lalawigan sa tanggapan ng Commission on Elections provincial office noong Oktubre 2.

Opisyal na kandidato para sa pagka- gobernador si Vargas sa Cagayan ng Partido Federal ng Pilipinas, ang kinaaanibang partido ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Vargas, kumpleto na ang kanilang line-up sa pagkabokal mula sa 1st and 2nd district ng Cagayan, habang sa pagka- bise gobernador hinihintay pa nila ang pinal na desisyon ng napipisil nilang runningmate.

Kasabay rin ni Vargas na nagsumite ng kanyang CoC si Atty. Minehaha Espejo, mas kilala sa palayaw na Attorney Hang, na tatakbong board member ng 1st District ng Cagayan, na kasama sa grupo ni Vargas.

Inaasahan naman sa susunod na mga araw, pipila na rin ng kanilang CoC ang iba pang mga kandidato at kasamahan ng mga ito.#