PUMILA na ng Certificate of Candidacy para sa pagka-board member ng Cagayan si Atty. Hang Espejo kanina (Oct.2) sa Comelec provincial office sa Tuguegarao City, Cagayan.Kung papalarin, isusulong raw niya ang mga lokal na batas at adbokasiya para sa kababaihan at edukasyon. (Larawang kuha ni Vill Gideon Visaya)

Nakapagsumite na rin ng kanyang Certificate of Candidacy si Atty. Minehaha Espejo, mas kilala sa palayaw na Attorney Hang, na tatakbong board member ng 1st District ng Cagayan.

Kasama sa grupo Cagayan Vice Governor Melvin Boy Vargas Jr. si Attorney Hang. Una nang pumila ng CoC si Vice Governor Vargas para gobernador ng lalawigan sa tanggapan ng Commission on Elections Cagayan provincial office noong Oktubre 2.

Opisyal na kandidato para sa pagka- gobernador si Vargas sa Cagayan ng Partido Federal ng Pilipinas, ang kinaaanibang partido ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Vargas, kumpleto na ang kanilang line-up sa pagkabokal mula sa 1st and 2nd district ng Cagayan, habang sa pagka- bise gobernador hinihintay pa nila ang pinal na desisyon ng napipisil nilang runningmate.#