Camp Marcelo A Adduru, Tuguegarao City Cagayan- Dahil sa dami ng mga mamamayang naapektuhan at napinsalang mga ari-arian dhil sa bagyo, idineklara nang under State of Calamity ang bayan ng Sta. Praxedes, Cagayan
Ito ay batay sa impormasyon mula sa Sta. Praxedes PNP na nanggaling sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng naturang bayan.
Kaugnay nito ay patuloy na nakikipag ugnyan ang kapulisan ng Sta. Praxedes Police Station sa lokal na pamahalaan at iba pang ahensiya ng gobyerno para sa relief and rescue operations sa nabanggit na munisipalidad.
Isang PNP Search, Rescue and Retrieval Team ang biinuo upang siguruhin ang seguridad ng mga mamamayan sa apektadong mga lugar.
Wala pa mang direktiba ang LGU na magsagawa ng forced evacuation sa mga residente ngunit siniguro ng Sta. Praxedes PNP na mayroong sapat na bilang ng Reactionary Standby Support Force nakahandang tumugon anunmang oras na kailanganin ang kanilang pwersa.
Para sa mga nagbabalak bumiyahe papuntang norte, nagbigay ng abiso ang PNP Sta. Praxedes na hindi “passable” ang Pagudpud Road papunta Ilocos Norte dahil sa nangyaring major landslide.
Patuloy pa rin ang isinasagawang “bantay panahon” ng PNP lalo na sa mga lugar na mataas ang banta ng pagbaha at pagguho ng lupa.#
Courtesy: PRO 2