Ayon sa mga pag-aaral, maraming masamang epekto ang pagsusunog ng dayami, tulad ng polusyon sa hangin at paglala ng climate change. Ngunit,
𝗞𝗮𝗽𝗮𝗴 𝗣𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗻𝗮 𝗦𝗶𝗻𝘂𝘀𝘂𝗻𝗼𝗴 𝗮𝗻𝗴 𝗗𝗮𝘆𝗮𝗺𝗶:
✅Nawawala ang nitrogen, phosphorus ng 25%, potassium ng 20%, at sulfur ng 5-60%.
✅Nasisira ang tirahan at pinagkukunan ng pagkain ng mga kaibigang insekto sa palayan.
𝗞𝗮𝗽𝗮𝗴 𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗦𝗶𝗻𝘂𝘀𝘂𝗻𝗼𝗴 𝗮𝗻𝗴 𝗗𝗮𝘆𝗮𝗺𝗶:
✅Nadadagdagan nito ang nitrogen, phosphorus, potassium, sulfur, silicon, at carbon sa lupa.
✅Napapanatili ang sustansya at moisture ng lupa.
✅Nagagamit ito bilang organikong pataba upang makatipid sa abono.
Maaari ring gawing materyales sa pagpapatubo ng kabute (mushroom).
𝗧𝗮𝗻𝗱𝗮𝗮𝗻: Sa tamang pamamaraan ng pamamahala ng dayami, napapanatili nito ang produktibidad ng lupa at ani.#