Patuloy na nakikipag ugnayan sa publiko ang PNP Lal-lo upang matukoy ang pagkaka-kilanlan ng bangkay ng isang babaeng natagpuang lulutang-lutang sa ilog Cagayan sa bahagi ng Bgry Catayuan, Lal-lo kaninang  alas-siyete ng umaga, August 03, 2022.

Ang bangkay ay narekober ng pinagsanib pwersa ng Resue 35 at PNP lal-lo sa pangunguna ni PCMS Gilbert Columna  sa tulong ng mangingisdang si Randy Allag ng Brgy Sta Maria, Lal-lo, Cagayan na siyang unang nadiskubre sa naturang bangkay habang siya ay nangangalap ng isda sa naturang ilog.

Batay sa deskripsyon ng mga otoridad sa bangkay, nakasuot ito ng maong shorts at itim na pang-itaas.

Nauna ng nakipag-ugnayan ang PNP Lal-lo sa pulisya sa  bayan ng Sto. Nino, Cagayan matapos mapag-alamang may ulat  na isang babae  ang nawawala kamakailan doon subalit hanggang sa isinusulat ang balitang ito hindi parin nakukumpirma kung ito nga ang babaeng nawawala.

Muling nanawagan ang PNP sa sinumang nawawalan ng babaeng kamag-anak, makipag-ugnayan sa kanilang istasyon sa kanilang hotline- 09052011953 upang matukoy ang paglakakilanlan ng naturang bangkay na nasa EM Funeral Homes sa brgy  Maxingal, Lal-lo, Cagayan.#

(Photos courtesy: PNP-Region 2)