Courtesy: Cagayan PIO

Isang bagong silang na babaeng sanggol ang natagpuan sa isang palikuran sa Brgy. Bulala, Camalaniugan, Cagayan.

Ang sanggol, na pinangalanang Baby Mattie, ay nakita ng mga residente na agad na tumawag sa mga awtoridad.

Ayon kay Dr. Charito Cipriano, Chief of Hospital ng MAODH, ang sanggol ay natagpuang walang saplot at nakakabit pa ang inunan. Bagama’t mahina ang tibok ng puso nang dumating sa ospital, mabilis na naagapan ng mga doktor at narses, at ngayon ay ligtas na ang kalagayan ni Baby Mattie.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng ina at mga posibleng sangkot sa insidente.#