Sa pinakahuling tala ng Municipal Epidemiology and Surveillance Unit (MESU), bumaba na sa 56 ang aktibong kaso sa bayan ng Baggao pero nadagdagan naman ng isang bagong nasawi ngayong araw kaya nasa 171 na ang bilang nga mga namatay kaugnay ng pandemya, Nobyembre 15.


Sa kabuuan, pumalo na sa 3, 257 ang natamaan ng COVID-19 sa Baggao samantalang 3,030 naman sa mga ito ay recovered na.

Nasa 26 na mga barangay naman na ang walang nakatalang kaso ng COVID-19 sa kasalukuyan. #