Bonggang-bongga ang futuristic ang peg na Pailaw sa Pasko sa Roxas, Isabela.
Dahil dito, dinagsa ng mahigit 2,000 mga residente ang pagpapailaw ng ganap 7:30 pm kamakailan.
Dahil dalawang taon na walang mga pailaw sanhi ng pandemya, umani ng papuri ang mga dekorasyon na kinabibilangan ng Christmas Tri na tila binubuo ng mga maraming holiday balls at mga regalo na umabot hanggang sa 20-metro taas na may nagniningning na bituin.
Instagrammable din ang golden deer, ang tila snowman na holiday decors, balls at iba pang mga palamuti.
Natuwa naman si Mayor Jonathan Totep Calderon sa positibong mga reaksiyon ng mga residente.
Amazing raw kasi at napakaganda, ayon sa ilang mga nakausap ng GMA News, sa naturang pailaw sa bayan.
Ayon kay Kim Casauran:”Ngayon lang may Christmas celebration ang Roxas, Isabela (agkatapos ng dalawang taon na pandemya.”
Halos speechless naman si Gemma Musico kaya ang sabi lamang niya, “Maganda talaga!”