Sa kabila ng sunud sunod na pag akyat ng kaso ng Covid-19 sa Cagayan, naitala ngayon ang 93 na gumaling mula sa nakahahawang sakit.

Ito ay base sa pinakahuling datos mula sa Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU) ng probinsya ngayong Miyerkoles ika-10 ng Agosto.

Ang 56 sa mga gumaling ay nagmula sa Tuguegarao City dahilan para bahagyang bumaba sa 217 ang aktibong kaso ng virus.

 Kaugnay nito, balik zero Covid-19 case na din ang mga bayan ng Rizal at Sanchez Mira matapos magkasunod na gumaling ang huling kaso sa mga nasabing bayan.

Samantala, 83 ang bilang ng nahawaan ng Covid-19 ngayong araw mula sa 15 bayan kung saan 89% sa mga nagpositibo ay nanggaling sa local transmission at 80% sa mga ito at symptomatic o nagpapakita ng mga simtomas ng nasabing sakit.

Mahigpit pa ring pinapaalala sa mga Cagayano ang pagsunod sa minimum public health standard na umiiral sa ilalim ng kasalukuyang quarantine classification at hinihikayat ang mga Cagayanong magpabakuna laban sa Covid-19.

Patuloy pa rin ang isinasagawang inoculation drive ng Kapitolyo sa 12 district hospitals sa lalawigan maging sa Provincial Health Office.#

Courtesy: CPIO