Courtesy: Batanes Provincial Heritage and Tourism Office/Rhodina Aguto

Namatay ang isang 74-taong gulang na biyudang turista mula sa  Pasig City habang namamasyal sa isla ng Batanes.

Ayon sa Provincial Heritage and Tourism Office, nakatakda sanang  bumalik sa Maynila ang biyuda kasama ang apat pa na kaibigan na grupong namasyal sa lugar. Gayunman, nang umaga ng Biyernes ay hindi na raw ito bumangon at nang gisingin sana ay wala na pala siyang buhay. Pormal na naideklara siya na dead on arrival sanhi ng Cerebrovascular Disease Bleed.

Kahapon, Pebrero 23, dumating ang dalawang anak at isang pamangkin ng biyuda para kunin ang mga labi niya. Gayunman, inaantay pa ang lipad ng eroplano ngayong lingo kaya pansamantala muna itong inilagak para sa lamay sa isang gusali sa Batanes.

Dumating kahapon ang dalawang anak at pamangkin ng nasabing pumanaw na turista. Sa ngayon ay pansamantala itong nakaburol sa IBAMRA habang inaantay ang nakatakdang flight ng PAMAS upang maiuwi na ang mga labi ng kanilang kaanak.#