Sumuko sa pamahalaan ang pitong (7) miyembro ng NPA mula sa bayan ng Baggao. Sa kanilang pagsuko ay kanila ding isinuko ang kanilang mga dekalibreng armas.
Inihayag ni LtCol. Joeboy Kindipan, Commandding Officer ng 77th Infantry Battalion, Phil. Army na sumuko ang mga rebelde dahil sa kahirapan at gutom na kanilang dinaranas sa kabundukan.
Ayon pa sa opisyal, maaaring wala na umanong suporta na nakukuha ang mga rebelde sa mga supporters sa mga barangay na dahilan upang tuluyan na ang mga ito na magbalik-loob sa gobyerno.
Bitbit ng mga rebelde na miyembro ng East Front ng Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley ang limang M16 rifles, 1 M653, 1 M14 rifle at iba pag gamit pandigma.
Kasama umano ang mga ito sa grupo na umiikot sa mga kabundukang bahagi ng Sta. Ana, Gattaran, hanggang sa bayan ng Baggao.
Ayon naman kay MGEn Laurence Mina ng 5th ID, hindi umano titigil ang kanilang hanay sa mga operation at community support programs upang mahikayat ang mga rebelde na magbalik loob at matuldukan na ang insurhensiya sa bansa.
Sa ngayon ay mayroon na umanong 633 na rebelde ang sumuko kasama na ang 259 na mga baril mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon.
Inihayag rin ni Nolcom chief LtGen Arnulfo Marcelo B. Burgos na tatlo kada araw ang nagbabalik-loob sa mga RRs sa North at Central Luzon.
Nangako rin ang opisyal na kanilang tutulungan at gagabayan ang mga dating rebelde sa kanilang E-CLIP at bago bumalik sa lipunan.
Nanatili naman ang mga rebelde sa halfway house sa Bangag, Lallo. (Courtesy:Bernadeth Heralde/Cagayan PIO)