(Image courtesy of Tuguegarao City Information Office)

Narito ang bilang ng mga indibidwal na nabakunahan kontra sa COVID-19 sa lungsod ng Tuguegarao as of October 25, 2021.

Sa datos ng City Health Office (CHO) nasa kabuuang bilang na 68,721 o 72% na indibidwal mula sa Priority Groups A1, A2, A3, A4, at A5 ang nabakunahan na.

Nasa total na 57, 120 o 60% naman ang mga indibidwal na nakatanggap na ng kumpletong bakuna (2 doses o single dose) laban sa Covid-19.

Kabuuang 121, 224 na bilang ng bakuna naman ang naiturok na sa 1st at 2nd doses, kasama na ang single dose, simula noong umarangkada ang Vaccination Program ng Lokal na Pamahalaan ng Tuguegarao City. (Data courtesy of Tuguegarao City Information Office)