Sa paglalabas ng ika-40 na Biosurveillance Report ng Department of Health (DOH) Central Office, University of the Philippines-Philippine Genome Center (UP-PGC) at University of the Philippines-National Institutes of Health (UP-NIH) ang buong Rehiyon Dos ay nananatili sa pagtatala ng mga kaso ng Delta Variant.
Ayon sa report, mayroong karagdagang 67 na kaso sa buong Rehiyon Dos. Inilahad sa panibagong report ang mga sumusunod na talaan; dalawang kaso ang kauna-unahang naitala sa bayan ng Ivana sa Batanes, samantalang sa Quirino province ay naitala ang tig-isang kaso sa Aglipay, Cabarroguis, Maddela at Saguday.
Ang probinsya ng Nueva Vizcaya ay mayroong pitong kaso mula sa Solano (2) at tig-isa sa mga bayan ng Bagabag, Bayombong, Dupax del Sur, Quezon at Santa Fe.
Nakapagtala naman ng karagdagang 26 na kaso sa Cagayan mula sa Tuguegarao City (11), Sto. Nino (2), Solana (2) at tig-isa sa mga bayan ng Alcala, Amulung, Aparri, Baggao, Ballesteros, Camalaniugan, Iguig, Lasam, Pamplona, Sta. Praxedes at Tuao.
Nananatili na ang Isabela ang may pinakamaraming naiulat na kaso ng Delta variant at nakapagtala ito ng 28 na panibagong kaso mula sa Santiago City (4), tatlo sa bayan ng San Isidro at tig-dalawa sa Cauayan City, Echague at Gamu habang ang mga bayan ng Alicia, Aurora, Benito Soliven, Burgos, Cabagan, Cabatuan, Luna, Mallig, Naguilian, Quezon, Ramon, Roxas, San Manuel, San Mateo at Ilagan City ay may tig-isang kaso. Anim sa mga naiulat na kaso ang namayapa mula sa mga bayan ng Sto. Nino at Solana sa Cagayan at sa mga bayan ng Alicia, Quezon at San Manuel sa Isabela.
Ang naitalang pumanaw sa Nueva Vizcaya ay ang kaso mula sa Solano habang gumaling na mula sa sakit ang iba pang 7 naiulat na mga kaso.
Ayon sa Local Cases of Variant of Concern per Province Report ng RESU, ang buong Rehiyon Dos ay nakapagtala ng mga sumusunod na bilang mula Marso hanggang ika-25 ng Oktubre.
Ang Alpha Variant ay mayroong 329 cases, 306 dito ay recovered cases samantalang 23 dito ang namayapa. Ang Beta Variant ay mayroong 44 cases, 42 ay recovered cases habang dalawang kaso ang namayapa. Ang Delta Variant ay mayroong 340 cases, 323 ay recovered cases at mayroong 17 na nasawi. Samantala, para naman saw Theta Variant ay nakapagtala ng tatlong kaso at lahat ay fully recovered o gumaling na sa sakit.
Ang Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) sa pamamagitan ng Special Action Team (SAT) ay patuloy ang pakikipag-ugnayan sa mga apektadong Rural Health Units at Local Government Units sa pagsasagawa ng case investigation at contact tracing activities at ginagawa ang lahat ng kanilang makakaya upang mapanatili ang shortened duration ng detection at isolation ng mga kaso.
Mananatili sa pagbibigay-impormasyon ang Kagawaran kung kinakailangan. Marahil ang mga mamamayan ay nakakarinig na ng mga detalye hinggil sa pagbaba ng mga kaso, ngunit mariing na pinapaalala ng Kagawaran na hindi pa ito panahon upang ang lahat ay maging kampante. Bagkus, ang lahat ay dapat mas mag-ingat lalo na sa increased mobility ng mga tao ngayong papalapit na ang holiday season.
Sa panahong ito, nawa’y patuloy ang lahat sa pagsasagawa ng mahahalagang sangkop upang maipag-patuloy ang pagpapababa ang mga bilang ng mga nagkakasakit at nahahawa sa COVID-19. Ang sama-samang pag-iingat, tamang pagsusuot ng face mask at face shield, palagiang paghuhugas o pag-sanitize ng kamay, pag-iwas sa matataong lugar at pag-distansya sa mga tao o ang pag-iwas sa 3C’s: closed spaces, crowded spaces at close contact settings at agarang pag-isolate at pag-kokunsulta sa unang sintomas palang ng sakit ay hakbang at malaking tulong sa pagpigil at pagkalat ng sakit. Ang pagbabakuna at pagsunod sa minimum public health standards (MPHS) katulad ng mga nabanggit ay makakatulong upang masustena ang pagpapababa ng mga kaso sa ating pamayanan.(DOH-Region 2 press release)