COVID-!9 updates sa Lalawigan ng Quirino. Image Courtesy: PLGU Quirino

Nakapagtala ng limang (5) panibagong kaso ng covid-19 ang lalawigan ng Quirino kahapon, ika-11 ng Hulyo taong kasalukuyan.

 Ito ay Base sa pinakahuling datos ng Provincial Health Office (PHO). Samantala, wala namang naitalang bagong gumaling at nasawi.

Umabot na sa 8,100 ang kabuuang bilang ng COVID-19 confirmed cases sa naturang probinsya.  18 ang active cases, 7,820 ang recovered cases at nananatili sa 262 ang COVID related deaths.

Tumataas ang bilang ng kumpirmadong kaso sa probinsya kaya’t patuloy na nagpapaalala ang Pamahalaang Panlalawigan na tayo ay mag-ingat at sumunod sa minimum public health standards na ipinatutupad ng DOH at IATF. #

(Courtesy:PIA-Quirino/Image:PLGU-Quirino)