Isang huwaran na kawani ng SM City Cauayan na si Amalia Manat ang nagsauli ng nakitang pitaka sa palikuran ng mga babae na naglalaman ng P27,000 na pera.
Ang nakitang gamit ay personal na naisauli sa may-ari na si Irene Marinduque, isang residente sa bayan ng Naguilian, Isabela at nag-aaral saisang pamantasan, matapos maberipika ng Customer Relations Services Department na naturang mall.
Dahil sa ipinakitang katapatan ni Manat, ito raw ay nagpapakita lamang sa itong nagbibigay salamin sa katangian ng SM Group of Companies.
Patuloy naman na hinikayat ng pamunuan ng SM ang kanilang manggagawa na maging huwaran sa katapatan at integridad.(Krystal Gayle Agbulig, PR Manager)