Tuguegarao City – Arestado ang isang lalaki sa implementasyon ng Search warrant na isinagawa ng Provincial Intelligence Unit, Cagayan PPO noong Setyembre 6 sa Zone 1, Capatan, Tuguegarao City, Cagayan.

Ayon sa inisyal na ulat, naaresto si alyas Darwin, 49 anyos, may asawa at residente ng naturang lugar dahil sa pag-implementa ng search warrant ng pinagsamang operatiba ng PIU at Tuguegarao PNP.

Ang naturang searh warrant ay inisyu ni Hon. Jezarine C. Aquino, Executive Judge, ng RTC Br.5 Tug. City, Cagayan.

Agad na inaresto ang suspek pagkatapos makumpiska mula sa kanyang pagmamay-ari ang isang black belt bag na naglalaman ng siyam na piraso ng plastic ng hinihinalang shabu kasama ang isa pang parehong empty plastic sachet. Ang kontrabando ay nagkakahalaga ng 30,000 pesos ayon sa Standard Drug Price nito.

Sa ngayon ay kasalukuyang nakapiit ang suspek sa PCP Don Domingo para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.#

(Courtesy:Cagayan PPO)