Umabot sa 2,000 kilo ng Malaga o Sinagid ang iniihaw sa 350-haba na ihawan sa dalampasigan ng Buguey, Cagayan ngayong araw, July 26.
Bahagi ito ng Malaga Festival ngayong araw
Ayon kay Mayor Licerio Antiporda, bahagi ito ng kanilang pagpapakita na isa nang matagumpay na teknolohiya ang pag-alaga ng malaga sa kanilang bayan.
Sa probinsiya at sa buong Region 2 ay tanging Buguey lang ang may mataas na production.
Maliban sa hangad na maipakita sa mundo ang kanilang teknolohiya ay ang hangad na magkaroon ng sarili nilang siganid hatchery upang posibleng makapag-harvest sila ng dalawang beses sa isang taon.
Ang Longest Malaga Grill ay bahagi ng selebrasyon ng Crab at Guraman Festival sa bayan ng Buguey. #