TUGUEGARAO CITY-Sa hangarin umano na makamit na ang kapayapaan, nanumpa ng
pagbabalik-loob sa pamahalaan ang 21 dating miyembro ng Communist Party of the
Philippines- New Peoples Army (CPP-NPA) sa Cagayan noong Biyernes, Hunyo 02
ngayong taon.
Kabilang sa mga rebel returnees ang mga opisyal ng East Front ng Komiteng
Probinsiya ng Cagayan na si Cedric Casaño at Patricia Nicole Cierva na dating
Political Guide at Secretary ng kilusan.
Galing ng Baggao at Allacapan ang karamihan ng iba pang mga sumuko kabilang na
ang isang 9-buwan na buntis na asawa ng napaslang noon na si Ka Morga.
Pinangunahan ni Cagayan PTF-ELCAC Chair, Governor Manuel Mamba ang seremonya
kasama sina Lt. Gen. Fernyl G Buca, Commander ng Northern Luzon Command, at
Maj. Gen. Audrey Pasia, Commander ng 5th Infantry Division, na ginanap sa
Sub-Provincial Capitol, Bangag, Lal-lo, Cagayan.
Bukod sa mga nagbalik-loob ay iprinisinta rin ang mga matataas na kalibre ng
baril katulad ng M16 rifle na kasama ng mga dating rebelde sa pagsuko.#
Photos courtesy:CPIO