Camp Marcelo A Adduru, Tuguegarao City- Patuloy ang pag arangkada ng pulisya sa kampanya kontra kriminalidad, droga at terorismo sa lambak Cagayan.
Sa isang araw na SACLEO kahapon, June, 10, 2022, 91 na wanted sa batas kabilang ang sampung Top Most Wanted Person ang naaresto ng PRO2.
Dalawang tulak naman ng iligal na droga ang naaresto ng mga otoridad at nakumpiskahan ng dalawang gramo ng shabu at 600.30 gramo ng tuyong dahon ng marijuana na may kabuuang standard drug price na 86,100 pesos.
Bukod pa rito, 44 na katao ang dinakip ng pulisya dahil sa paglabag sa anti-illegal gambling law.
Sa kampanya nman kontra boga, isang katao ang naaresto at dalawang baril ang nakumpiska ng pulisya habang karagdagang 24 na baril at apat na pambasabog ang nakumpiska at narekober sa iba pang police operations.
Sa kampanya kontra illegal logging, 933 boardfeet ng narekober.
Sa iba pang paglabag sa batas, 40 katao ang naaresto, 39 dito ay lumabag sa RA 10054 o Motorcycle Helmet Act of 2009 at isang paglabag sa RA 9262 o VAWC.
Samantala, apat na CNT, walong NPA in the Barrio at 29 CTG suporter ang nagbalik loob sa pamahalaan sa pamamagitan ng pinalakas na National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC.#