Courtesy: MDRRMO Enrile, Cagayan

Patuloy ang ginagawang search and rescue sa isang 13-anyos na lalaki matapos malunod sa Cagayan River na bahagi ng Barangay Maddarulug Sur, Enrile Cagayan kahapon.

Sa ulat ng MDDRMO Enrile, kahapon (Marso 23, 2025) nang magtungo ang hindi na kinilalang biktima sa ilog kasama ang anim na kaibigan na pawang menor-de-edad para maligo.

Nang pumunta sa gilid ang grupo matapos ang kanilang paglalangoy sa ilog ay naiwan ang biktima na napunta sa malalim at hindi na nakita ng mga kasama.Agad ipinagbigay-alam sa mga otoridad ang pangyayari.

Agad namang nagsagawa ng search and rescue operation ang MDRRMO kasama ang Bureau of Fire Protection (BFP)-Enrile, Philippine Coast Guard (PCG) at PNP-Enrile ngunit bigong makita hanggang sa kasalukuyan.

Nabatid na hindi marunong sa paglangoy ang naturang binatilyo.#