Lacub Abra – Noong ika-12 ng Marso 2024, ang 102nd Infantry (KAAKIBAT) Battalion ng Philippine Army ay nakiisa sa isinagawang feeding activity na ginanap sa Poblacion, Lacub, Abra. Layunin ng aktibidad na ito na magbigay ng tulong at suporta sa mga bata sa nasabing lugar, lalo na sa mga nangangailangan ng tulong pagkain.
Sa pangunguna ni LTC FELIPE M JARAMILLA INF (GSC) PA, Commanding Officer ng 102nd (KAAKIBAT) Battalion, ay nakilahok sa pagsagawa ng feeding activity kasama ang Lacub Municipal Police Station (MPS) sa pangunguna ni PCPT JAIME J GARCIA, Acting Chief of Police kasama ang kanyang mga tauhan sa mga bata na nasa edad apat hanggang anim na taong gulang at nagbigay din ng libreng gupit sa mga nasabing benepisyaryo. Ang aktibidad ay nagdulot ng kaligayahan at pasasalamat mula sa mga benepisyaryo at nagpapakita ng malasakit at pagkakaisa sa panahon ng pangangailangan.
Ang 102nd Infantry (KAAKIBAT) Battalion ay patuloy na nagbibigay diin sa misyon na hindi lamang tungkol sa seguridad at depensa kundi pati na rin sa pagtulong at pakikisama sa mga komunidad na kanilang pinagsisilbihan.#