Lumakas pa bilang Severe Tropical Storm (STS) ang bagyong Nika habang kumikilos sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
Huling namataan ang bagyo sa layong 690km Silangan ng Infanta Quezon, taglay ang lakas ng hangin na 100km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 125km/h habang sa kasalukuyan ay kumikilos naman ito sa kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 30kp/h.
Ngayong araw ay nararanasan na ang mga pag-ulan at pagbugso ng hangin na dulot nito sa bahagi ng Bicol Region, maging sa bahagi ng Quezon at Eastern Visayas.
Batay sa forecast track analysis ng DOST-PAGASA, kikilos pa rin ang bagyo sa kanluran hilagang-kanluran at ngayong araw ay patuloy naman na lalakas bilang Typhoon category at maglalandfall bukas ng hapon o gabi sa Isabela o sa Aurora.
Bukas ng hapon ay inaasahan din na tatahakin naman nito ang kalupaan Northern-Central Luzon hanggang Martes ng gabi. Asahan din sa araw ng Lunes o Martes ang malalakas na hangin at pag-ulan na dulot ng bagyong Nika sa mga lugar na apektado ng bagyo.
Sa ngayon ng nakataas naman ang Tropical Cyclone Wind Signal (TSWS) #2 sa timog-silangan ng Isabela (Dinapigue) at hilagang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan). TSWS #1 naman ang nakataas sa bahaging timog ng Cagayan (Tuguegarao City, PeΓ±ablanca, Enrile, Solana, Iguig), nalalabing bahagi ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, timog-silangan ng Kalinga (City of Tabuk, Rizal, Tanudan), silangang bahagi ng Mountain Province (Paracelis, Natonin, Barlig), Ifugao, silangang bahagi ng Pangasinan (San Nicolas, Tayug, Natividad, San Quintin, Umingan), nalalabing bahagi ng Aurora, Nueva Ecija.
Kasama rin dito ang hilagang-silangan ng Pampanga (Candaba, Arayat), hilaga at silangang bahagi ng Bulacan (Norzagaray, San Miguel, San Ildefonso, San Rafael, DoΓ±a Remedios Trinidad, Angat), silangang bahagi ng Quezon (Calauag, Guinayangan, Tagkawayan, Pitogo, San Andres, Buenavista, San Francisco, Pagbilao, Infanta, Lopez, Catanauan, Mulanay, Unisan, General Luna, Plaridel, Quezon, Alabat, Sampaloc, Padre Burgos, Macalelon, Mauban, Perez, Agdangan, Gumaca, Atimonan, Real, San Narciso, General Nakar) ikasama ang Polillo Islands, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, at ang hilangang-silangan ng Albay (Malinao, Tiwi, Bacacay, City of Tabaco, Malilipot, Rapu-Rapu).
Samantala, ang binabantayang Low Pressure Area sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ay huli namang namataan sa layong 2,365km silangan ng hilagang-silangan ng Mindanao at mataas ang tiyansa na maging bagyo hanggang sa susunod na 24 oras at posibleng pumasok sa PAR sa Martes ng umaga.
Patuloy namang pinapayuhan ang mga residenteng posibleng maapektuhan ng bagyo na maging maingat at patuloy na maghanda sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.#