Nagpaalala ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na huwag magparada o magpatakbo ng matataas at malalaking sasakyan malapit sa linya at tore ng kuryente.
Ang pagpaparada o pagmamaneho ng malalaki at matataas na sasakyan malapit sa linya at tore ng kuryente ay maaaring magdulot ng aksidente, pagkamatay at pagkaantala sa daloy ng kuryente sa mga transmission lines at magdulot ng power interruptions,
dagdag pa ng kumpanya.
“Kung aksidente namang bumangga ang minamanehong sasakyan sa tore o poste ng kuryente at walang pagkakataon na lumayo mula rito, ipagbigay alam agad sa kinauukulan upang mabigyan ng karampatang tulong o safety assistance,” paalala pa nila.
Maaaring mag-text sa 0917-TIPNGCP (8476427) o 0918-TIPNGCP (8476427).
Hangad namin ang inyong kaligtasan at kapakanan, ayon pa sa NGCP.
#NGCP
#LuzonwideNewsCorrespondent